BWD Nagsagawa ng Information Campaign sa Brgy. Pagala

Noong Setyembre 17, 2025, isinagawa ng Baliwag Water District (BWD) ang isang Information Campaign sa Brgy. Pagala Multi-Purpose Hall na dinaluhan ng mga residente ng barangay. Ito ang ika-walong barangay na nabisita ngayong taon. Layunin ng aktibidad na mas paigtingin ang kaalaman ng kanilang mga konsesyonaryo ukol sa serbisyo ng BWD mula sa aplikasyon ng koneksyon hanggang sa proseso ng disconnection. Ipinaliwanag din ang wastong pangangalaga sa metro at linya ng tubig, pati na rin ang tamang paraan ng pagrereport ng mga reklamo upang mas mapabilis ang aksyon. Naging daan din ito upang marinig ng BWD ang mga hinaing, suhistyon ng mga konsesyonaryo. Sa pamamagitan ng kampanyang ito, mas napalapit ang BWD sa kanilang mga konsesyonaryo at naipakita ang kanilang hangarin na patuloy na magbigay ng episyente at maayos na serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng community participation/stakeholders engagement.