Refresher Course on Operation of Water Resources Facilities, Isinagawa ng BWD

Matagumpay na idinaos ang Refresher Course on Operation of Water Resources Facilities na pinangunahan ng Subject Matter Expert na si Engr. Glenn Michael Torres, at dinaluhan ng lahat ng Water Resources Facilities Operators (WRFOs) ng Baliwag Water District noong Huwebes, Setyembre 18, 2025. Ginanap ang unang bahagi ng aktibidad sa BWD Multi-Purpose Hall kung saan nagkaroon ng lecture ukol sa tamang pamamahala at operasyon ng mga pasilidad ng tubig. Pagkatapos nito ay isinagawa naman ang aktwal na hands-on practice sa apat na pumping stations: Rafaela, Waterwood 1, Waterwood 4, at Carmela, upang masiguro ang wastong aplikasyon ng mga natutunan. Layunin ng refresher course na muling pagyamanin ang kaalaman at mas mapalakas ang kasanayan ng mga WRFOs upang mapanatiling ligtas, episyente, at maaasahan ang operasyon ng mga pasilidad ng tubig para sa patuloy na de-kalidad na serbisyo sa publiko.