Nakikiisa ang Baliwag Water District sa pagdiriwang ng "Ease of Doing Business (EODB) Month" ngayong buwan ng Mayo.
Sa pangunguna ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at sa temang "Achieving Results through Transparency and Accountability" para sa taong ito, nilalayon ng ARTA na mapabilis, maging malinis, at walang bahid ng korapsyon ang mga proseso at transaksyon sa bawat sangay ng gobyerno para makapagdulot ng ginhawa at kapakinabangan sa bawat mamamayan.
Asahan po ninyo na patuloy na gagawa ng hakbang ang BWD upang lalo pang maging episyente ang bawat transaksyon sa aming tanggapan.