Ease of Doing Business (EODB) Lane sa Customer Care at Payment Area ng BWD, binuksan.

Bilang pagsuporta ng BWD sa selebrasyon ng "Ease of Doing Business Month", idinagdag natin ang EODB Lane sa ating priority lane sa pagbabayad ng tubig at sa assigned officer of the day naman sa ating Customer Care Area. Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang mabilis na transaksyon ng ating mga konsesyonaryo dito sa aming tanggapan. Sa pangunguna ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at sa temang "Achieving Results through Transparency and Accountability" para sa taong ito, nilalayon ng ARTA na mapabilis, maging malinis, at walang bahid ng korapsyon ang mga proseso at transaksyon sa bawat sangay ng gobyerno para makapagdulot ng ginhawa at kapakinabangan sa bawat mamamayan.