Baliwag Water District, Kaisa sa Coastal Clean-Up Drive ng DENR-CENRO

Ang Department of Environment and Natural Resources - Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Baliwag ay nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive na may temang “Clean Seas Against the Climate Crisis” sa Angat River Trench, pagitan ng Brgy. Tibag at Brgy. Poblacion ngayong Setyembre 19, 2025. Bilang katuwang sa pangangalaga ng kalikasan, nakibahagi ang mga piling empleyado ng Baliwag Water District (BWD) sa naturang aktibidad. Ipinakita ng kanilang aktibong pakikiisa ang matibay na suporta ng ahensya sa mga inisyatibong nakatuon sa kapaligiran, alinsunod sa kanilang mandato na pangalagaan hindi lamang ang suplay ng tubig kundi pati ang likas na yaman ng komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon, higit na napagtibay ang ugnayan ng BWD, DENR-CENRO at ng lokal na pamayanan sa sama-samang layunin na labanan ang climate crisis at ingatan ang ating kalikasan para sa susunod na henerasyon.