Muling binigyang parangal ang Baliwag Water District sa 2025 Freedom of Information Awards, kung saan ito ay itinanghal na 1st Runner-Up sa ilalim ng Local Water District Category.
Kasabay nito, kinilala rin bilang Best FOI Officer si Atty. Jose Angelo P. Pagkanlungan sa kanyang natatanging dedikasyon sa transparency at kahusayan sa serbisyo publiko.
Idinaos ang seremonya noong Nobyembre 28, 2025 sa Bellevue Hotel, Filinvest Alabang, kung saan dumalo at tinanggap nina GM Engr. Ma. Victoria E. Signo, AGM Roberto G. Estrella, Eloisa E. Ramos bilang FOI Decision Maker, Atty. Jose Angelo P. Pagkanlungan bilang FOI Receiving Officer, at si Mark Glen Orbe bilang Alternate Receiving Officer ang plake ng pagkilala.
Ang FOI Awards ay taunang pagkilala sa mga institusyon at opisyal na nagpapakita ng kahusayan sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko at sa pagpapatupad ng transparency sa kanilang operasyon. Ang pagkilalang natanggap ng BWD ay hindi lamang tagumpay ng mga opisyal ng FOI kundi dangal ng buong lupon na patuloy na nagsusumikap na magbigay ng tamang impormasyon at serbisyong maaasahan ng bawat mamamayan.
Sa pagtanggap ng parangal, muling pinatunayan ng Baliwag Water District ang kanilang pangako sa transparency, accountability, at de-kalidad na serbisyo publiko, bilang katuwang ng komunidad sa pagtataguyod ng bukas at maayos na pamamahala ng tubig.
