Bilang aktibong suporta sa
Brigada Eskwela 2025 na may temang
“Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa”, ang
Baliwag Water District (BWD) ay nagkaloob ng mga
kagamitan sa paglilinis sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Baliwag, na lumapit sa kanilang tanggapan. Isinagawa ang pamamahagi ng donasyon noong
Hunyo 11 at 13, 2025, bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang pagtulong sa mga paaralan upang maging handa sa pagbubukas ng klase.
Ang mga napagkalooban ng donasyon ay ang sumusunod na paaralan:
- Baliwag North Central School
- Calantipay Elementary School
- Catulinan Elementary School
- Concepcion Elementary School
- Josefa V. Ycasiano Memorial School
- Virgen Delas Flores Elementary School
- Niño High School
Ang mga ibinigay na kagamitan ay kinabibilangan ng
powdered soap, liquid detergent, hydrochloric acid, multi-purpose bleach, powder cleanser, glass cleaner, hand soap, alcohol, basahan, timba, tabo, dustpan, walis, basurahan, toilet brush, at
book paper.
Layunin ng BWD na patuloy na maging katuwang ng mga paaralan sa paghubog ng ligtas, maayos, at malinis na lugar para sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang kanilang aktibong pakikilahok sa
Brigada Eskwela ay patunay ng kanilang pangakong serbisyo hindi lamang sa suplay ng tubig, kundi pati na rin sa kabuuang kaunlaran ng komunidad.
Sa tulong ng mga ganitong gawain, mas lalo pang pinagtitibay ang ugnayan ng mga pampublikong ahensya at mga institusyong pang-edukasyon tungo sa iisang layunin na magkaloob ng mas ligtas at mas magandang kinabukasan para sa mga mag-aaral ng Baliwag.