BWD inilunsad ang programang “EEWW na plastic gawing WOW fantastic brick” sa mga pampublikong paaralan
Published: June 2nd, 2023
Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility Program ng BWD, unang inilunsad ang programang “EEEWWW NA PLASTIC, GAWING WOW FANTASTIC BRICK” na naglalayong maka kolekta ng mga recyclable plastics mula sa mga kawani ng ahensya na sya namang ipoproseso sa isang upcycling facility upang magamit sa pagbuo ng mga eco-bricks at kalaunan ay maaaring gamitin sa pagbuo ng mga handwashing facilities. Sa ganitong pamamaraan, ang mga plastic na nagiging kalat lamang sa ating kapaligiran ay nagiging kapaki-pakinabang at naproktektahan pa ang ating kalikasan.
Upang mas mapalawak at mas maparami ang maging kaisa sa pagkilos na ito, nakipag-ugnayan ang BWD sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa lungsod ng Baliwag upang hikayatin ang kanilang mga mag-aaral at mga kawani na magdala ng mga recyclable plastics na siyang kokolektahin ng BWD upang magamit na sangkap sa pagbuo ng eco-bricks.
Upang kilalanin ang pakikiisa ng mga pampublikong paaralan ay hahandugan ng BWD ng handwashing facility ang makakaipon ng pinakamaraming recyclable plastics hanggang sa itinakdang oras ng BWD. Hinati sa tatlong cluster ang mga paaralan batay narin kanilang populasyon at ang paaralang may pinakamaraming naipong recyclable plastics sa bawat cluster ay syang tatayuan ng mga nabanggit na handwashing facilities.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 2,700 kilo na ng recyclable plastics ang nakolekta ng BWD mula sa mga kawani ng tanggapan at mga pampublikong paaralan.
Dahil sa paglulunsad ng programang ito, tinitiyak na makakatulong ang BWD sa mga batang higit na nangangailangan ng maayos na suplay tubig at hugasan ng kamay at gayundin ay nakatulong na pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran.