Tuwing buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang “GLOBAL HANDWASHING DAY”, taong 2014 ng simulan ng Baliwag Water District, (BWD) ang pagdiriwang nito sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na isinasagawa kasama ang mga stakeholders ng BWD pangunahin na ang mga schools.
At ngayong taon, bilang pagdiriwang ng BWD ng Global Handwashing Day, bagaman simpleng programa lamang ang isinagawa ng BWD, ngunit, mas naging makahulugan naman ito.
Pinagkalooban ng BWD ng “Handwashing Facilities” o lababo ang 4 na public elementary schools at dalawang malalaking public high school na lubos na nangangailangan ng mga nasabing lababo sa bayan ng Baliwag. Ito ay ang mga sumusunod, Guillermo Dela Merced Mem. School, Tilapayong Elementary School, Paitan Elementary School, Baliwag North Elementary School, Sulivan National High School at ang Mariano Ponce National High School. Ang tatlo dito ay sabay-sabay na na-iturn over sa isinagawang maigsi at simpleng turn-over ceremony noong Oktubre 17, 2022 (Tuesday), ang sa Sulivan National High School naman ay noong Nobyembre 4, 2022 (Biyernes). At ang dalawa pa ay kasalukuyang ginagawa at malapit nadin i-turn over sa mga recipient schools.
Labis ang saya na naibigay nito sa mga estudyante at guro sapagkat malaking tulong ito para sa kanila at para sa kanilang eskwelahan. Labis labis din ang pagpapasalamat nila dahil nagkaroon sila ng madaling access sa malinis na tubig.
“Nung nalipat ako dito sa Paitan Elementary School few months ago, unang problema na nakita ko ay ang kakulangan sa handwashing area. Iniisip namin kung saan kami kukuha ng pondo para makapagpagawa nito. Maliit na school lang ang Paitan at maliit lamang ang aming pondo kaya nung tinawagan ako at nalaman namin na isa ang Paitan Elementary School na mapagkakalooban ng handwashing area, parang dininig ni lord yung panalangin namin, kaya sobra sobrang pasasalamat namin sa tulong na ipinagkaloob ng Baliwag Water District.” - Saad ni G. Joselito L. Mercado, Punong Guro ng Paitan Elementary School
Sa ngalan naman ng mga estudyante at guro ng Tilapayong Elementary School, ito ang sinaad ni Gng. Milagros L. Macabatao, Punong Guro -“Matatawag lang pala na group handwashing facility kapag sampuan na ang gripo at ngayon nalaman natin yan. Ako, maligayang maligaya ako sa ginawa ng Baliwag Water District sa atin, sana suklian natin sila sa kanilang mga proyekto, ang pagbabalik ng biyayang ibinigay nila sa atin ay hindi natin kayang ibalik sa kanila ng thank you po lang, kailangan maipakita ang pagtulong sa kanila sa paggawa, ipakita natin sa gawa na tayo ay sumusuporta sa kanila, napaka swerte ng Tilapayong Elementary School, 9 years na ako dito sa Baliwag at ngayon ko lang naramdaman ang ganito, mas naramdaman ko na sila pala ang tunay nating ka-partner sa buhay, salamat po sa inyo at ipagpapatuloy namin na alagaan ang inyong iniwang proyekto sa amin at ipapakilala namin ito sa aming mga mag-aaral, maraming maraming salamat po mula po sa aming lahat ditto sa Tilapayong ES.”
At bilang pagpapasalamat naman ni Gng. Ma. Aurea Rhodora Geronimo, Punong Guro at kumatawan sa sa Guillermo Dela Merced Memorial School, ito ang kanyang sinabi, “Dati pangarap lang namin at iniisip na sana magkaroon kami ng group handwashing facility dito sa aming school dahil kailangan na kailangan namin ito para mapangalagaan at masanay ang 900 mahigit na mga estudyante ng tamang paghuhugas ng kamay at ngayon, hindi na ito pangarap, kundi, pangarap na natupad. Maraming maraming maraming salamat po Baliwag Water District sa hatid ninyong tulong sa aming paaralan, asahan po ninyo na kaisa kami sa lahat ng programa ninyo para sa lalo pang ikabubuti ng mga mag-aaral. ”
Kasabay din ng turn-over ceremony, ay binuksan din ng BWD sa mga school ang programa nitong “EEEWWW NA PLASTIC, GAWING WOW FANTASTIC BRICK” na naglalayong maka kolekta ng mga recyclable plastics na sya namang magagamit sa pagbuo ng mga eco-bricks at kalaunan, ay gagamitin sa pagbuo ng mga handwashing facilities upang mas mapalawak at mas madami ang maging kaisa sa pagkilos na ito bilang pangangalaga sa Inang-Kalikasan.
Simula pa lamang ito ng programa ng BWD sa pamamagitan ng pakikipag partner sa iba’t ibang mababang pampublikong paaralan sa Bayan ng Baliwag sa isang pagkilos upang maingatan at maprotektahan ang ating “Inang Kalikasan” para sa kapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon.
Panoorin ang video clip ng isinagawang selebrasyon ng Global Handwashing Day -
https://www.youtube.com/watch?v=YnTcVMBOjdY