Taon-taon ay ipinagdiriwang ang "International world Water Day" tuwing buwan ng Marso at ang pangunahing layunin nito ay mapukaw ang atensyon ng mga tao upang makiisa sa pagsulong na maprotektahan ang ating yamang tubig maging ang ating kapaligiran.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Water Day (WWD) 2023 na may temang "Accelerating Change", nagsagawa ng iba't ibang aktibidad ang Baliwag Water District (BWD) mula Marso 20 hanggang Marso 20, 2023
Free Leak Audit and Repair
Ilang piling paaralan sa siyudad ng Baliwag ang inikutan ng BWD, sa pangunguna ng mga kawani mula sa Pipelines and Leakage Control Division, upang suriin ang kanilang mga linya ng tubig at kumpunihin kung kinakailangan. Ang programang ito ay ginawa sa loob ng apat (4) na araw, Marso 20-24, 2023 at ito ay naglalayong makatulong sa mga paaralan na makumpuni ang kanilang mga sirang linya upang hindi masayang ang tubig na natatapon lamang dulot ng mga linyang ito. Sa kabuuan, ay tinatayang nasa dalawampung (20) paaralan sa siyudad ng Baliwag ang naging benepisyaryo ng aktibidad na ito.
Clean-Up Drive
Ika-24 ng Marso, 2023 ng idaos ng BWD sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion at sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang Clean-Up drive sa Brgy. Poblacion (tabi ng dike/ilog) sa ganap na ika-9 ng umaga. Pinangunahan ng Corporate Planning Department ng BWD, nakiisa ang mga piling empleyado mula sa iba't ibang departamento ng BWD maging ang mga "mother leaders" at ilang residente ng Brgy. Poblacion at mga kawani ng Baliwag CENRO na linisin ang dike maging ang ibabang parte ng ilog upang makatulong sa pagpuksa ng polusyon sa ating ilog na karugtong ng "Manila Bay". Matapos ang paglilinis ay ipinagkaloob ng BWD ang mga cleaning materials sa Brgy. Poblacion upang patuloy nilang magamit sa kanilang lingguhang paglilinis sa gawi ng ilog
.