GLOBAL HANDWASHING DAY 2023

Tuwing sasapit ang buwan ng Oktubre ay ginugunita sa buong mundo ang Global Handwashing Day (GHD), ito ay isang adbokasiya na naglalayong paunlarin ang kaalaman at ipabatid ang kahalagahan ng pamalagiang paghuhugas ng kamay. Mula noong 2014 ay kaisa na ang Baliwag Water District (BWD) sa paggunita ng buong mundo ng GHD. Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa ng BWD upang hikayatin ang nasasakupan nito at ang kanyang mga “stakeholders” lalo na ang mga kabataang Baliwageño na ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Sa taong ito (2023), ay muling ginunita ng BWD ang mahalagang adbokasiya na ito sa pamamagitan ng simple ngunit mas makahulugan at mas makabuluhan na paraan, sa pakikipagtulungan ng mga piling paaralan dito sa Lungsod ng Baliwag ay naipagtagumpay ng BWD ang selebrasyon ng GHD sa paraang naisakatuparan na nitong maituro ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay, nakapag-iwan pa ang BWD ng inspirasyon sa mga kabataan upang pangalagaan ang ating kalikasan. Oktubre 26, 2023 – Sabay sabay ang isinagawang “turn-over” ng limang (5) bagong BWD ECO-HANDWASHING FACILITIES sa mga sumusunod na mababang paaralan dito sa ating lungsod. Ito ay ang mga nasa sumusunod:
  • HINUKAY ELEMENTARY SCHOOL
  • TILAPAYONG ELEMENTARY SCHOOL
  • JACINTO PONCE ELEMENTARY SCHOOL
  • BARBARA ELEMENTARY SCHOOL, at
  • TARCAN ELEMENTARY SCHOOL
Ang lahat ng mga lababong ito ay gawa mula sa mga pinagsamasamang “plastic waste materials and then upcycled into eco-bricks”, at lahat ng lababong ito ay tig-sasampung gripo upang makapasa sa standard ng DepEd na “10 faucet per group handwashing facility” na inaasahang makapag bibigay ng malaking tulong sa mga paaralan upang mapanatili ang kalinisan ng mga kabataan. At bilang bahagi padin ng mandato ng BWD ukol sa “Water, Sanitation & Hygiene, (WASH)” at paggunita ng GHD, ay madaragdagan pa ang mga lababong ito ng limang (5) panibagong BWD ECO-HANDWASHING FACILITIES bago matapos ang taong ito. Ito ay kasalukuyan ng ginagawa sa mga sumusunod na paaralan:
  • SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL
  • TIAONG ELEMENTARY SCHOOL
  • PINAGBARILAN ELEMENTARY SCHOOL
  • JOSEFA YCASIANO MEMORIAL SCHOOL, at
  • VIRGEN DELAS FLORES HIGH SCHOOL
Totoong napakahalaga na makagawian ng sinuman ang palagiang paghuhugas ng kamay dahil ito ay mabisang sandata ng bawat isa laban sa anumang uri ng pagkaka-sakit. Sa bahagi ng BWD, sisikapin nito na maipaabot ang mahalagang mensahe ng GLOBAL HANDWASHING DAY upang mahikayat ang bawat Baliwageño na maging kaisa sa adbokasiya nito at kasama nadin nito ang makapag bigay ng mga pasilidad ukol sa paghuhugas ng kamay at sapat na tubig dahil ito ay bahagi naman ng aming “Serbisyong may Malasakit.”