Matagumpay na pinangunahan ng
Baliwag Water District (BWD) ang
“Comprehensive Training on Crafting and Formulating of the Information Systems Strategic Plan (ISSP)” noong
Hulyo 9–11, 2025 sa
BWD Multi-Purpose Hall. Layunin ng tatlong-araw na pagsasanay na gabayan ang mga ahensyang pampamahalaan, partikular ang mga water district, sa maayos, estratehiko, at responsableng pagpaplano ng kanilang ICT projects alinsunod sa mga patakaran ng
DICT, COA, at iba pang pambansang ahensya.
Pinangunahan ni
Ms. Grace T. Amberong, isang batikang freelance IT consultant, ang nasabing pagsasanay. Sa kabuuan,
47 kalahok na binubuo ng IT personnel at technical staff mula sa
15 water districts ang nakiisa. Kabilang sa mga lumahok na tanggapan ang mula sa
Bocaue, Bulacan, Bustos, Calumpit, City of Malolos, Davao City, Hagonoy, Infanta (Quezon), Marilao, Metro Kidapawan, Meycauayan, Norzagaray, Pandi, at Plaridel.
Sa pakikipagtulungan ng
DICT Regional Office III, tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing hakbang sa pagbuo ng ISSP, kabilang na ang digital transformation, risk management, at ICT governance. Nagkaroon din ng mga workshop na nagbigay-daan sa aktibong partisipasyon at pagbabahagi ng kaalaman ng bawat kalahok.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng BWD sa pagtulong na palakasin ang kapasidad ng mga water district sa larangan ng teknolohiya, bilang bahagi ng layuning makapaghatid ng mas mahusay, makabago, at epektibong serbisyo sa publiko.